Ginang, itinumba sa Quezon City
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Isang ginang ang nasawi matapos na dalawang ulit na barilin sa ulo ng hindi nakikilalang salarin habang naglalakad sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng ID na nakuha sa kanya na si Arlene Aguilar, ng Piy Margal St., Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat ni P/SSg. George Caculba, may hawak ng kaso, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa gilid ng Cattleya Compound, sa Mindanao Avenue, sa naturang barangay.

Sinasabing naglalakad lamang ang biktima sa lugar nang bigla na lang barilin ng mga di kilalang salarin.

Sa salaysay naman ng isang saksi, nakarinig siya nang magkasunod na putok ng baril at nang alamin ang pinagmulan nito, ay dito niya namataan ang duguang bangkay ng biktima.

Naispatan pa umano ng saksi ang papatakas na salarin na sakay ng kulay pulang SUV ngunit hindi niya matukoy ang uri ng sasakyan at hindi rin niya ito naplakahan.

Masusi naman nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para matukoy ang motibo sa likod ng pagpatay at sino ang may kagagawan nito.

GEORGE CACULBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with