^

Metro

Multang P5K, kulong sa mag-iinom sa labas ng bahay sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MAKATI, Philippines  — Multang P5 libo at kulong na hanggang isang taon  ang katapat na parusa sa mga lalabag sa ordinansa na nagbabawal sa pag-inom ng alak sa labas ng kanilang mga bahay sa Makati City, epektibo sa darating na Hulyo 14, 2020.

Ito ang inanunsiyo ni Makati Mayor Abby Binay kaugnay sa inaprubahang City Ordinance No. 152, Series of 2020 na nagbabawal sa pag-inom ng alak sa labas ng sariling pamamahay kapag ang lungsod ay nasa state of calamity, public health emergency o katulad na mga deklarasyon.

Aniya, layunin ng ordinansa na maiwasan ang paglala ng sitwasyon at hindi maging lalong mapanganib sa gitna ng krisis.

Ayon kay Mayor Abby, bagama’t mas ligtas ang pag-inom sa loob ng sariling pamamahay, mas makabu-buting tuluyang iwasan ang pag-inom ng alak habang mayroong krisis.

Sa ilalim ng naturang ordinansa, pagmumultahin ng P5,000 ang first-time violators. Sa ikalawang paglabag, maaaring makulong hanggang isang buwan bukod pa sa multang P5,000. Sa ikatlo at mga susunod na paglabag, ang multang P5,000 ay maaaring may kasamang pagkakakulong ng hanggang isang taon, kung mamarapatin ng korte.

Ipinagbabawal din ng ordinansa ang pag-inom ng alak kung saan ito binili, kabilang ang mga tindahan at iba pang establisimento.

Ang mga umuupa sa hotels, motels, apartments, apartelles, bed and breakfast, transient houses, dormitories, at bed spaces ay maaari lamang uminom sa loob mismo ng kwarto o lugar na kanilang inuupahan.

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with