Wala munang ticket tellers sa LRT-2
Sa isang online forum, sinabi ni LRTA spokesperson, Atty. Hernando Cabrera, sa halip na sa ticket tellers ay sa vending machine na lang muna maaaring makabili ng ticket ang mga pasaherong sasakay sa kanilang mga tren.
DOTr FB Page/File
Wala munang ticket tellers sa LRT-2
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) na sa ngayon ay hindi na muna sila nagde-deploy ng ticket tellers sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) bilang proteksiyon  laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang online forum, sinabi ni  LRTA spokesperson, Atty. Hernando Cabrera, sa halip na sa ticket tellers ay sa vending machine na lang muna maaaring makabili ng ticket ang mga pasaherong sasakay sa kanilang mga tren.

“Sa linya naman po, lately ho two weeks ago we started procedure na di na kami nagbebenta ng ticket using teller namin sa Line 2... wala ng teller na nagbebenta ng ticket,” ayon kay Cabrera.

“Ang ginagamit na lang talaga natin ngayon ay ’yung mga ticket vending machine so lahat ng pasahero natin, doon na sila bibili ng ticket,” aniya pa.

Paglilinaw naman ni Cabrera, hindi tinanggal sa trabaho ang mga ticket teller dahil patuloy pa rin silang magtatrabaho para umalalay sa mga pasahero na bibili ng ticket sa vending machines.

Samantala, kinumpirma rin ni Cabrera na may da­lawa nang office-based na empleyado ang LRTA na nagpositibo sa COVID-19 kamakailan at kasaluku­yang naka-quarantine na.

Maging ang kanilang tingi-tingi o single journey tickets ay kinu-quarantine din aniya nila sa loob ng 72-oras at dini-disinfect gamit ang ultraviolet light,  bago tuluyang ibalik sa sirkulasyon.

“Kina-quarantine namin ‘yung single journey tickets, ‘yung tingi-tingi na ticket for 72 hours kasi ‘yun lang life span ng virus bago ire-encode at ibalik sa circulation,” aniya pa.

Upang masiguro namang naipatutupad ng istrikto at maayos ang physical distancing sa loob ng mga tren, sinabi ni Cabrera na sa ngayon ay 160 na pasahero lang ang pinapayagang makasakay sa LRT-2, malayo sa kapasidad na 1,060.

Aminado naman si Cabrera na dahil dito ay malaki na ang lugi sa LRTA ngayong may pandemic.

Aniya a, umaasa na lamang sila sa pinansyal na tulong mula sa pamahalaan upang patuloy na makapag-operate.

LRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with