May COVID na MRT personnel pumalo na sa higit 200
Kinumpirma naman ni Libiran na ang 16 sa mga ito ay nakadeploy sa mga istasyon at posibleng nagkaroon ng close contact sa ilang commuters, habang ang 181 pa ay pawang nakatalaga naman sa kanilang train depot.
The STAR/Michael Varcas
May COVID na MRT personnel pumalo na sa higit 200
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 202 ang bilang ng mga tauhan ng Metro Rail Transit  (MRT-3) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (CO­VID-19).

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes, ang naturang bilang ay naitala hanggang nitong Martes ng gabi, mula sa dating 198 lamang noong Lunes.

Kinumpirma naman ni Libiran na ang 16 sa mga ito ay nakadeploy sa mga istasyon at posibleng nagkaroon ng close contact sa ilang commuters, habang ang 181 pa ay pawang nakatalaga naman sa kanilang train depot.

Nabatid na 16 na station personnels ay 15 ang ticket sellers at walo sa kanila ang nakatalaga sa North Avenue Station, tatlo mula sa Cubao Station, dalawa mula sa GMA Kamuning, isa mula sa Quezon Avenue, at isa ang nasa reserve status.

Sinabi ni Libiran na ­inaasahan nilang matatapos nang suriin laban sa COVID-19 ang kabuuang 3,299 personnel ng MRT-3 hanggang kahapon, Miyerkules.

“Three hundred thirty-nine (339) na lang ang for testing ngayong araw (Miyerkules). The rest, tapos na,” ani Libiran, sa isang mensahe.

Nauna rito, nagpasya ang MRT-3 na suspindihin ang kanilang operasyon mula Hulyo 7, Martes, hanggang sa Hulyo 11, Sabado, dahil sa pagdami ng mga tauhan nitong positibo sa virus.

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with