^

Metro

2 kidnaper ng Malaysian nasakote ng PNP-AKG

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 kidnaper ng Malaysian nasakote ng PNP-AKG
Prinisinta kahapon ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) ang dalawang dayuhan na nadakip sa isinagawang entrapment operation kaugnay sa pagkidnap sa isang Malaysian.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isang entrapment operation sa Angeles City, Pampanga ang dalawang dayuhan na dumukot sa isang Malaysian noong Mayo 16.

Sa ginanap na press briefing sa  Camp Crame, sinabi ni PNP-AKG director, Brig. Gen. Jonnel Estomo na ang mga suspek na sina Rano Herman, Indonesian at  Ong Way Plak, Malaysian ay nadakip sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Malabanias sa Angeles City sa Pampanga, kamakalawa ng hapon.

Nakatakas naman ang Filipino driver ng mga suspek.

Nailigtas naman sa Room 1416 , 14th Floor ng Dormitory 1, Sun Valley, Angeles, Pampanga ang biktimang si Lee Jun Sheng, na isang Malaysian.

Lumilitaw na ang insidente ng pagdukot sa biktima ay  inireport ng Office of the Representative mula sa  Embassy of Malaysia sa pamamagitan ni Consul Abdul Samad Ismail.

Batay sa report, humihingi ang mga kidnapper ng  12,000 Chinese renminbi (mahigit P84,000) na karagdagang ransom  mula sa pamilya ng biktima.

Dahil dito, agad na isinagawa ang entrapment operation sa pangunguna ni P/Col. Villaflor Bannawagan.

Nakakulong na sa  AKG headquarters sa Camp Crame ang mga suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kidnap for ransom.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with