^

Metro

‘Di magsusuot ng face mask, pagmumultahin sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Di magsusuot ng face mask, pagmumultahin sa Pasay
Sa Ordinance No. 6098, Series of 2020 nakasaad ang kautusan na sinuman ang nasa territorial jurisdiction ng Pasay City ay kailangang nakasuot ng face mask o improvised protective equipment na epektibo para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 at iba pang respiratory diseases, sa oras na lumabas ng kanilang bahay habang umiiral ang quarantine protocols.
Michael Varcas, file

PASAY, Philippines — Mas mahigpit na batas ang paiiralin sa lungsod ng Pasay sa mga pasaway at sinumang hindi magsusuot ng face mask, alinsunod sa bagong ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Pasay.

Sa Ordinance No. 6098, Series of 2020 nakasaad ang kautusan na sinuman ang nasa territorial jurisdiction ng Pasay City ay kailangang nakasuot ng face mask o improvised protective equipment na epektibo para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng  COVID-19 at iba pang respiratory diseases, sa oras na lumabas ng kanilang bahay habang umiiral ang quarantine protocols.

Tinawag itong ‘Pasay City Face mask Ordinance’ na saklaw ang sinumang indibidwal na lalabag sa ordinansa na nasasakop ng lungsod ay aarestuhin ng mga tauhan ng Pasay City Police at barangay officials at tanods.

Sa unang pagkakasala ay maaaring warning lamang, subalit sa ikalawang pagkakataon na mahuling wala pa ring suot na face mask ang isang indibidwal ay pagmumultahin siya ng P3,000  at sakaling mahuli uli sa katulad na pagkakasala ay P5,000  na ang babayarang multa.

Kung menor de edad naman ang mahuhuli, ang mga magulang  o guardians ang mananagot sa multa.

Batay naman sa Section 5 ‘No Contest Provision’ ng nasabing ordinansa,sinumang maaaresto sa naturang paglabag ay maiisyuhan ng citation ticket ng pulis at ipi-print ng Office of the City Treasurer ng Pasay Gov’t. at sa mga hindi na planong i-contest ang kaso at bo­luntaryong  magbabayad  na lamang ay nasa P2,000.00 ang administrative fine.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with