_ngayon
^

Metro

Nagwalang babaeng Chinese, inaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MAKATI, Philippines — Inaresto ang isang babaeng Chinese makaraang magwala sa gitna ng kalye at manakit ng biker, traffic enforcers at nandura ng isang guwardiya sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa reklamong physical injury at disobedience ang suspek na kinilalang si Dong Li, 27, nanunuluyan sa Jazz Mall sa N. Garcia, Bel-Air, Makati City.

Isa sa biktima ang naghain ng reklamo sa Sub-Station 6 ng Makati City Police na kinilalang si Jefferson Sosa, biker, 27.

Tumayo na lang na arresting officer ang mga nabiktimang sina Abrogar Narciso at Ronel Cancio, kapwa  public safety department officer o dating  MAPSA.

Sa imbestigasyon, dakong alas- 5:15 ng hapon nang arestuhin ang banyaga at iposas ito nang hindi mapigilan sa pananakit at pagwawala sa kahabaan ng Jupiter St., at Makati Avenue, sa Makati.

Papatawid umano ang babae nang awatin ng traffic enforcer dahil green light pa para sa motorista  na sa halip na sumunod ay namalo ng payong  habang galit na galit at tila nagmumura sa sarili niyang lengguwahe kaya nagtulong ang dalawang traffic enforcer na awatin siya.

Kahit naaresto na ay patuloy pa rin sa pagwawala ang nasabing dayuhan na hindi naman makausap dahil hindi marunong magsalita ng Ingles.

Inaalam kung may problema sa pag-iisip ang suspek o lango ito sa iligal na droga.

CHINESE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with