^

Metro

Piskal sa Maynila, patay sa ambush

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Piskal sa Maynila, patay sa ambush
Ang piskal na si Jovencio Senados na nalugmok sa loob ng kanyang sasakyan makaraang ambusin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa panulukan ng Quirino Avenue at Anakbayan sa Paco, Maynila, kahapon ng umaga.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Patay ang Chief Inquest Prosecutor ng Manila City Prosecutor’s Office makaraang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang lulan ng kaniyang kotse, kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Prosecutor Jovencio Senados, 62, ng Villa Palao, Calamba, Laguna.  Hindi naman ginalaw ng mga suspek ang driver ni Senados na hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Sa inisyal na ulat ng Ermita Police Station 5, naganap ang pananambang dakong alas-11:05 ng umaga sa panulukan ng Quirino Highway at Anakbayan St. sa Paco, ng naturang lungsod.

Binabagtas niya ang Quirino Highway para pumasok sa serbisyo sa Manila Hall of Justice nang dikitan ang kaniyang kotse ng itim na sports utility vehicle (SUV)  lulan ang mga hindi nakilalang salarin at walang habas siyang pagbabarilin.  Agad na tumakas ang mga gunman.

Agad naman na nagkasa ang Manila Police District ng follow-up operation at dragnet operation ngunit bigo na madakip ang mga suspek habang isinusulat ang balitang ito.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo sa pamamaslang kabilang ang pag-alam kung may kinalaman ito sa mga hinahawakan o hinawakang kaso ni Senados.

Kinondena naman ng mga prosecutor ng Maynila ang naganap na pananam­bang.  Sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya si Senados at mapanagot ang mga taong nasa likod ng krimen.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with