^

Metro

MRT-3 personnel na COVID-19 positives, 198 na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3 personnel na COVID-19 positives, 198 na!
Sa isang pahayag, sinabi ng MRT-3 na hanggang nitong Hulyo 6 ng gabi ay 198 empleyado na nila ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na na­dagdagan pa ang bilang ng kanilang mga personnel  na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang pahayag, sinabi ng MRT-3 na hanggang nitong Hulyo 6 ng gabi ay 198 empleyado na nila ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.

Nabatid na sa naturang bilang, 177 ang depot personnel, tatlo ang train dri­vers, dalawa ang Control Center personnel, at isang nurse.

Kabilang din naman ang may 16 na station personnel, na pawang ticket sellers o nagbebenta ng tiket sa mga pasahero sa mga istasyon ng North Avenue, GMA-Kamuning, at Cubao at isang nasa reserved status.

Samantala, muli namang tiniyak ng MRT-3 na ginagawa nila ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga empleyado at mga pasahero.

Matatandaang nitong Lunes ng gabi ay inianunsiyo ng MRT-3 ang kanilang desisyon na suspendihin ng limang araw ang kanilang operasyon simula nitong Hulyo 7, Martes, hanggang Hulyo 11, Sabado, matapos na makapagtala ng 186 personnel na positibo sa COVID-19.

Layunin umano ng naturang temporary shutdown ng MRT-3 na bigyang-daan ang COVID-19 testing sa lahat ng kanilang empleyado at mag-disinfect ng kanilang mga pasilidad.

Maaari naman umanong humaba pa o umigsi ang araw ng temporary shutdown sa sandaling magkaroon na ang MRT-3 ng sapat na empleyado na negatibo sa virus, na magpapatuloy ng kanilang operasyon.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with