^

Metro

Biyahe ng LRT, nalimitahan dahil sa saranggola

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pansamantalang nalimitahan ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon ng hapon sa area ng Quezon City dahil sa isang saranggola.

Sa isang paabiso, sinabi ng pamunuan ng LRT-1 na isang saranggola ang sumabit sa catenary ng Balintawak Station northbound dakong alas-12:20 ng tanghali.

Dahil dito, napilitan silang magpatupad ng limitadong operasyon mula Baclaran Station sa Parañaque City hanggang sa Monumento, Caloocan City at vice versa.

Kaagad namang nagtungo ang Engineering Team ng LRT-1 sa naturang istasyon at inalis ang naturang saranggola.

Inabot lamang naman ang aberya ng may kalahating oras at pagsapit ng alas-12:53 ng tanghali ay ‘green and go’ na o balik na sa normal ang operasyon ng LRT-1.

Humihingi naman ang LRT-1 ng paumanhin at pang-unawa dahil sa naganap na aberya.

Ang LRT-1 ang siyang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran, Parañaque City.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with