^

Metro

‘Tulak’ na gumagamit ng Grab, tiklo nang inguso ng rider

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang hinihinalang ‘tulak’ ng iligal na droga makaraang inguso siya sa pulisya ng Grab rider na naghinala sa laman ng ipinapadeliber sa kaniya na item, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang nadakip na si Enrico Guadalupe, 51, naninirahan sa isang condominium building sa Brgy. Bel-Air, Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police, sinabi ng saksi na si alyas Rico, Grab rider, na nag-book sa kaniya si Guadalupe para ipadeliber ang isang parcel ng damit sa Marikina City.  Nagtungo si Rico sa condo unit ng suspek sa Makati para pick-apin ang item ngunit sa halip na damit ay isang maliit na brown paper bag na naglalaman umano ng sabon ang iniabot sa kaniya ni Guadalupe.

Dito naghinala si Rico dahilan para inspeksyunin niya ang item at nadiskubre na sa halip na sabon ay naglalaman ang parcel ng tatlong plastic sachet ng puting pulbos.  Agad na nagtungo ang rider sa Sub-station 6 ng Makati City Police at iniulat ang insidente kung saan natuklasan na shabu ang laman ng mga plastic sachet.

Dito na nagkasa ng operasyon ang pulisya na nag­resulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nahaharap si Guadalupe sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Makati City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with