^

Metro

Operasyon ng MRT, sinuspinde!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng MRT, sinuspinde!
Pinaalalahanan ng mga security sa MRT North Avenue station ang mga nakapilang pasahero na pairalin ang social distancing. Inihayag ng MRT-3 management na babawasan ang biyahe ng tren simula ngayon makaraang tumaas ang bilang ng kanilang personnel na tinamaan ng COVID.
Kuha ni Michael Varcas

186 personnel na ang positibo sa COVID

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagdami ng bilang ng mga tauhan na nagpopositibo sa  CO­VID-19  na umabot na nga­yon sa 186, nagpasya ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pansamantalang suspendihin ang kanilang biyahe sa loob ng limang araw, simula ngayong Martes, Hulyo 7.

Batay sa datos ng MRT-3, sa kabuuan ay mayroon nang 186 MRT-3 personnel nila ang nagpositibo na sa sakit.

Sa kabuuan anilang 1,581 station personnel, ay 185 na ang nasuri  at 17 sa mga ito ang nagpositibo sa virus habang susuriin pa lamang ang 1,396 iba pa.

Sa 1,718 depot personnel naman ay 1,322 na ang nasuri at 169 sa kanila ang nagpositibo sa sakit habang 396 pa ang nakatakdang isailalim sa COVID-19 testing.

“As resolved by the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), and following the increasing number of personnel who tested positive for COVID-19, the MRT-3 will temporarily suspend its operations starting Tuesday, 07 July 2020,” anunsiyo ng MRT-3 nitong Lunes ng hapon lamang.

Ayon sa MRT-3, layunin ng temporary shutdown na bigyang-daan ang pagsasailalim sa RT-PCR swab testing sa lahat ng kanilang personnel, kabilang na yaong mga tauhan ng kanilang maintenance provider na Sumitomo Mitsubishi, at mga subcontractors, upang maiwasan pa ang higit na pagkalat ng sakit, at matiyak na protektado ang kalusugan ang kaligtasan ng mga personnel at kanilang mga commuters.

Nabatid na ang temporary shutdown ng MRT-3 ay magtatagal ng limang araw, o mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 11, Sabado, o hanggang sa panahong  makumpirma sa RT-PCR testing na may sapat na bilang ng MRT-3 personnel ang negatibo sa virus, na magpapatuloy sa kanilang limitadong operasyon.

“This means that the period of the shutdown may be shortened or extended, depending on the pace and results of RT-PCR testing. This also means that operations will resume even if the number of available personnel can only operate a limited number of train sets at the beginning,” anang MRT-3.

Ayon sa MRT-3, ang RT-PCR testing ng MRT-3 personnel ay isasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Palacio de Manila swabbing center, katuwang ang Philippine Red Cross.

Anang MRT-3, sa mahigit 3,200 workforce ay kakailanganin nila ng may 1,300 personnel upang maipagpatuloy ang kanilang limitadong operasyon.

Sa panahon ng temporary shutdown, magsasagawa rin naman ang MRT-3 ng disinfection sa lahat ng pasilidad nila, kabilang na ang depot, mga istasyon at mga tren.

May 150 bus din ang idedeploy para sa EDSA Busway service, na mag­hahatid ng pasahero sa pagitan ng Monumento at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx).

Related video:

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with