^

Metro

Rollback sa presyo ng gasolina, kerosene

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rollback sa presyo ng gasolina, kerosene
Sa anunsiyo ng Shell, epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong Martes magbabawas sila ng 65 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang P0.40 naman sa kerosene.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Magpapatupad ngayong araw (Hulyo 7) ng rollback sa presyo ng  gasolina at kerosene ang ilang kompanya ng langis.

Sa anunsiyo ng Shell, epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong Martes magbabawas sila ng 65 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang P0.40 naman sa kerosene.

Gayundin ang tapyas sa presyo ng mga kompanyang Petro Gazz, Clean Fuel at PTT Philippines na P0.65 sa kanilang gasolina at kerosene alas- 6:00 din ng umaga ng Hulyo 7.

Hindi pa naglalabas ng abiso ang iba pang kompanya na inaasahang susunod na rin sa pagbaba ng presyo.

Samantalang  wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Ito ang unang rollback sa presyo ng produktong petrol­yo matapos ang siyam na magkakasunod na linggong oil price hike.

vuukle comment

GASOLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with