^

Metro

21 sugarol inaresto sa lamayan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 21 indibidwal kabilang ang tatlong menor-de-edad  ang dinakip sa lamayan matapos mahuling nagsusugal, kahapon ng madaling araw Caloocan City.

Nagsanib puwersa ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 15 at mga opisyal ng barangay nang tunguhin ang  lamayan  sa   Lanka St., Pangarap Village, Brgy. 181, kasunod ng isang tip mula sa concerned citizen na ang mga dumalo sa lamay ay nakuha pang magsugal.

Ilang indibidwal ang nagawang makatakbo sa magkakaibang direksyon nang isagawa ang raid ng pulisya dakong ala-1 ng madaling araw habang nadakma ang 21 sa kanila na karamihan ay mga residente ng Pangarap Village sa Brgy.181, kabilang ang tatlong 17-anyos na menor-de-edad.

Lumabag din ang mga naaresto sa ipinatutupad na social distancing sa ilalim nang pinaiiral na community quarantine.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with