^

Metro

‘Maskwedding’, inilunsad sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaaring magkasal si Makati Mayor Abby Binay sa programang, ‘#Maskwedding’, sa Makati City Hall mula Hulyo 6, 2020 hanggang Disyembre 2020.

Sa abiso sa  official website sa Facebook sa Proud Makatizens, bago ang “I Do” dapat ay sundin ang mga ipinatutupad na hakbang.

Una, dapat ay kumpletuhin ang requirements sa pagpapakasal na ibibigay ng City Civil Registration Office (CCRO).

Kung makumpleto na ang nasabing proseso, i-eendorso ng CCRO ang mga dokumento sa Office of the Mayor (OM) at hihingian ng tatlong petsa na pagpipilian para sa itatakdang araw ng kasal.

Maghihintay lamang ng tawag mula sa  kawani ng OM.

Mahalaga ding dapat sundin at obserbahan ang mga ipinatutupad na health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at  social distancing.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa OM sa numerong 8870-1102 o sa CCRO 8870-1305.

 

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with