^

Metro

Lugi ng LRT-2 aabutin ng P97 milyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lugi ng LRT-2 aabutin ng P97 milyon
Ito, ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera ay dahil na rin sa may tatlong buwang ban sa transportas­yon na ipinatupad ng pamahalaan dahil sa COVID-19 at patuloy pa ring limitadong bilang ng mga pasaherong maaari nilang isakay.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines ? Posible umanong umabot sa P97 milyon ang magiging lugi ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayong 2020.

Ito, ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera ay dahil na rin sa may tatlong buwang ban sa transportas­yon na ipinatupad ng pamahalaan dahil sa COVID-19 at patuloy pa ring limitadong bilang ng mga pasaherong maaari nilang isakay.

“Kung tama ‘yung naalala kong factor, ang malulugi sa amin magmula nung nag-COVID tayo hanggang end of the year halos mga P97 million ‘yung ating malulugi, ‘yung tinatawag nating re­venue loss na masa-suffer namin because napakalimitado ‘yung ­ating magiging pasahero,” ani Cabrera.

Mula sa dating maximum capacity ng tren ng LRT-2 na halos 1,600, ay nasa 160 pasahero na lamang ang naisasakay ng bawat tren nila ngayon, upang masi­guro na naipapatupad ng social distancing at maiiwasan ang hawahan ng virus sa mga pasahero.

Ang nasabing bilang ng pasahero aniya ay wala pang 10 porsiyento ng kapasidad ng kanilang mga tren.

Dahil aniya sa lugi nilang ito, kakailanganin ng LRTA na manghiram ng karagdagang pondo mula sa national government para masustentuhan at maipagpatuloy pa ang kanilang operasyon.

Ang LRT-2 ang siyang nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan, Pasig City.

Gayunman, sa kasalukuyan ay nakakabiyahe lamang ito mula sa Maynila hanggang Cubao, Quezon City matapos na masunog ang power rectifier nito sa Katipunan Station noong Oktubre 2019, at nananatili pa ring tigil ang operasyon ng kanilang Santolan, Katipunan, at Anonas Stations.

Target naman umano ng LRTA na maibalik ang operasyon ng mga naturang istasyon bago matapos ang taong ito.

vuukle comment

LRT-2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with