^

Metro

Tents sa panibagong pagdagsa ng LSIs itinayo ng Pasay LGU

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines ? Sa patuloy na pag­dagsa ng locally stranded individuals (LSIs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sanhi ng mga nakanselang flights, nagtayo ng mga tent ang pamahalaang lungsod ng para madagdagan ang pansamantalang matutuluyan sa Villamor Air Base Elementary School (VABES) bukod sa mga silid ng paaralan.

Kasabay nito, mu­ling umapela ang Pasay gov’t sa mga pasahero na kung maaari ay kumpirmahin muna nila ang kanilang iskedyul sa pagsakay sa eroplano bago magtungo sa airport.

Gayundin ang apela ni Mayor Emi Calixto-Rubiano sa airline companies na magtalaga ng Help Desks na magsasabi at gagabay sa LSIs sa kanilang dapat gawin kung nakansela o nare-sche­dule ang kanilang biyahe at hindi ipapasan ang obligasyon sa Pasay LGU.

Alas 12:00 ng hapon, kahapon ay nasa 256 LSIs na ang nasa Villamor Air Base Elementary School na pauwi sa Bacolod, Davao, Cagayan De Oro, General Santos City at Cebu na may flights sa Air Asia at Cebu Pacific.

Binigyang-diin ni ma­yor Emi na nagsusumikap naman ang Pasay LGU, ang mga ahensiya ng gobyerno at civic organizations sa pag-alalay sa mga istranded na pasahero sa mga essentials at pagkain.

Noong Hunyo 17, napauwi na ang nasa 771 LSIs na na-accommodate sa VABES at Philippine State College of Aeronautics (PHILSCA) sa tulong din ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Transportation (DOTr).

Aniya, mga bagong LSIs na naman ngayon ang dumadagsa sa Pasay.

vuukle comment

NAIA

STRANDED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with