Pagpapaikli sa curfew hours sa Caloocan aprub
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines ? Aprubado na ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang ordinansa na nagpapaikli sa ipinatutupad na curfew hours sa lungsod habang patuloy na umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila bunsod ng COVID -19 pandemic.

Sa Ordinance No. 0876 na isinulong nina Councilors Enteng Malapitan at Rose Mercado, ang bagong curfew hours ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw mula sa dating alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.

Nakasaad sa ordinansa na marami ng mga manggagawa ang balik na sa kanilang trabaho subalit limitado pa rin ang pampublikong sasakyan kaya’t marami sa mga empleyado ang nananatili sa mga kalsada nang mas mahabang oras.

Bukod dito, binigyan na rin ng go signal ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases ang dine-in sa mga restaurant. Ngunit dahil sa limitadong kapasidad lamang ang pinapayagan, maraming customer ang inaabutan din ng curfew sa kanilang pagpila.

Dagdag pa ni Malapitan na pratikal lamang at rasonable ang pagpapaikli ng curfew hours para sa kapakanan ng mga residente sa lungsod.

Gayunman kailangan pa ring manatili sa kanilang mga tahanan ang mga nasa edad 21 pababa, mga senior citizen edad 60 pataas na hindi kabilang sa essential workforce, mga maysakit at mga buntis.

Dapat pa ring sundin ang mga health protocols tulad ng pagpapanatili ng social distancing, pagsuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol.

CURFEW HOURS GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with