^

Metro

Inuman nauwi sa panggagahasa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines ? Muling nauwi sa panggagahasa ang isang inuman ng alak nang sapilitang lurayin ng isang maintenance worker ang kakikilala pa lamang na babae sa loob ng isang kuwarto ng isang condominium building sa Malate, Maynila nitong Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Francis Martin, 34, may live-in partner, at nakatira sa Brgy. Dila, Sta. Rosa, Laguna. Positibo siyang kinilala ng biktimang itinago sa alyas na “Jane”, 22-anyos.

Sa ulat ng Ermita Police Station 5, naganap ang panggagahasa dakong alas-3 ng madaling araw sa loob ng Unit No. 1102 Imperial Tower Condominium, A. Mabini St., Malate.

Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa suspek kasama ang iba pang kakilala sa fire exit area ng naturang condominium building at nang matapos ay bumalik na siya sa kaniyang unit.

Nang makarating sa kuwarto, biglang sumulpot si Martin at itinulak ang babae sa loob.

Dito sapilitang hinubaran ng lalaki ang biktima at matagumpay na ginahasa. Matapos makaraos, agad na tumakas si Martin.

Dali-dali namang tinawagan ng biktima ang kaniyang live-in partner at ipinagtapat ang pangyayari saka nila iniulat ito sa Remedios Police Community Precinct.

Naaresto ang suspek sa isang follow-up operations ang ikinasa ng pulisya.

Nahaharap ngayon si Martin sa kasong Rape sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

PANGGAGAHASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with