Una nang pinulong ni Belmonte ang barangay chairmen sa anim na distrito sa lungsod upang ­ipaalala ang kanilang res­ponsibilidad sa pagpapatupad ng national at local GCQ regulations para maibsan ang paglaganap ng virus.
KJ Rosales, file
Mayor Joy sa barangay officials: Quarantine guidelines mahigpit na ipatupad sa nasasakupan
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines  — Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte  sa may 142 barangay chairmen ng Quezon City na istriktong ipatupad ang  ge­neral community qua­rantine (GCQ) guidelines sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang hakbang ay sinabi ni Mayor Belmonte makaraan ang  clustering at community transmission ng COVID.

Una nang pinulong ni Belmonte ang barangay chairmen sa anim na distrito sa lungsod upang ­ipaalala ang kanilang res­ponsibilidad sa pagpapatupad ng national at local GCQ regulations para maibsan ang paglaganap ng virus.

“We have been informed that most of the causes for the spread of COVID-19 cases in areas that were recently placed under special concern lockdown (SCL) were due to various unauthorized activities, which were regrettably preventable,” pahayag ni  Belmonte.

Anya nakarating ang ulat sa kanya na may mga lugar na may nagaganap na inuman,  boodle fights,  lamay sa patay na lampas ang bilang sa limitasyon at may mga naglalaro ng basketball at volleyball, gayundin ay may ilang nagsasagawa ng videoke sessions at birthday parties  na nagiging ugat ng pagkalat ng virus sa ilang lugar.

Anya, nakakaalarma ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga lugar na nasa ilalim ng special concern lockdown (SCL) nang maisagawa dito ang masusing contact tracing, rapid testing, at  PCR tes­ting bilang bahagi ng health interventions ng lokal na pamahalaan  sa panahon ng lockdown period.

Muling ipinaalala ni Belmonte sa mga barangay officials ang responsibilidad na higpitan ang pagpapasuot ng  face masks,  pagpapairal ng physical distancing at pagbabawal sa  mass gatherings.

Inatasan din ni Belmonte ang mga barangay officials na hulihin ang mga lalabag sa mga regulasyon, pagsasa­g­awa ng foot patrols para mapalakas ang kaalaman ng bawat mamamayan sa virus, ipairal ang  public safety hours mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw at iregulate ang pagbebenta ng alak dahil pinapayagan lamang ang pagbili ng alak mula  ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with