Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, B/Gen. Ronnie Montejo, ang mga suspek na sina Jinky Pascio Arbolado, Jhon Christopher Guzman, Cristina Burill, at Siloren Tabiano, pawang nasa hustong gulang, at residente ng lungsod, ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng QCPD La Loma Police Station (PS 1) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-NCR).
KJ Rosales
P27 milyong shabu nasabat: 4 arestado
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Tinatayang aabot sa P27-milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa apat na drug suspects na kanilang naaresto sa isang joint buy-bust operation sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, ka­makalawa ng gabi.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, B/Gen. Ronnie Montejo, ang mga suspek na sina Jinky Pascio Arbolado, Jhon Christopher Guzman, Cristina Burill, at Siloren Tabiano, pawang nasa hustong gulang, at residente ng lungsod, ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng QCPD La Loma Police Station (PS 1) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-NCR).

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Biak na Bato sa kanto ng Cuenco St., Brgy. Sto. Domingo, matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek.

Nang makabili ang poseur buyer ng shabu mula sa suspek na dumating sakay ng isang kulay itim at  puing Honda Civic at tanggapin ng mga ito ang marked money ay kaagad na silang dinampot ng mga awtoridad.

Bukod sa buy-bust mo­ney, nakumpiska rin ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang may 4,000 gramo ng shabu na may street value na P27,200,000 at limang cell phones.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng PDEA-RO NCR at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with