Dead-on-the-spot ang biktimang si Reynaldo Macatangay, alyas Tenga, miyembro ng ‘Commando Gang’, 37, pedicab driver at residente ng Building Sambahayan Moriones St., Tondo.
Philstar.com/File photo
Pedicab driver, binurdahan ng saksak
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Binurdahan ng saksak sa katawan ang isang 37-anyos na pedicab driver sa gitna ng kalye, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang  biktimang si Reynaldo Macatangay, alyas Tenga, miyembro ng ‘Commando Gang’, 37, pedicab driver at residente ng Building Sambahayan Moriones St., Tondo.

Sa ulat ni P/Master Sergeant Jansen San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pananaksak dakong alas- 3:30 ng madaling araw kahapon sa panulukan ng C.P. Garcia at Moriones Sts., Brgy. 123, Zone 9, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, nakarinig ang mga residente ng malakas na hiyaw ng isang lalaki kaya sila lumabas ng bahay upang alamin at nakita ang duguang lalaki na nakahandusay sa kalye.

Dinatnan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima na nakadapa na naliligo sa sariling dugo sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakuhanan din siya ng isang maliit na sachet ng shabu.

Blangko pa ang pulisya sa pagkilanlan ng salarin at sa motibo sa krimen. Inilagak ang bangkay sa Funeraria Cruz.

TONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with