3 nurse ikinandado sa loob ng condo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2020 - 12:00am

Security personnel kinasuhan

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga opisyal at tauhan ng security ng isang condominium building makaraang ikandado ang tatlong nurse sa isa nilang unit sa kabila ng pagpapakita ng mga ito ng sertipikasyon na sila ay COVID free.

Kasong serious illegal detention ang isinampa ng NBI laban kina Mel Tosco, pro-perty manager/Admi-nistrative head (Victoria Towers Condominium); Atty. Jerich Jucaban, Vice-President; security guard na si Sadat Macabanding at tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki at dalawang babae. Itinago naman ang pagkakakilanlan sa tatlong nurses.

Sinabi ni NBI Officer-In-Charge Eric Distor na Hunyo 29 nang makatanggap ang Special Action Unit (SAU) ng reklamo buhat sa tatlong biktima sa pamamagitan ng kanilang mga abogado ukol sa iligal na pagditine sa kanila sa isa sa condominium unit sa Quezon City mula Hunyo 22. Ito ay sa kabila na nakapagpakita naman ang mga nurse ng medical clearance na wala silang coronavirus at ‘fit-to-return’ sa trabaho.

Dito nagkasa ng ope­rasyon ang NBI-SAU ngunit pagdating sa loob ng condo building ay sinalubong agad sila nina Tosco, Napoleon Briñas, at Atty. Neneth De Padua.  Sa kabila ng pagpapaliwanag ng NBI sa presensya ng medical clearance, tumanggi pa rin ang mga opisyal ng condo na palabasin ang tatlong nurse hanggang walang clearance umano sa mga opisyal ng barangay na nakakasakop sa kanila.

Nang makaharap si Brgy. Chairman Cecilia Tiamson, ipinaliwanag niya na kinikilala nila ang medical clearance buhat sa Infectious Control Consultants (ICC).  Ngunit sa kabila nito, tumanggi pa rin umano ang mga opisyal ng condo na palabasin ang mga biktima kaya napilitan ang mga tauhan ng NBI na magtungo na sa ikasiyam na palapag at palayain ang mga biktima.

Nagbigay ng affida­-    vit ang lady guard at security-in-charge na sumusunod lamang sila sa utos nina Tosco at Briñas na bantayan para hindi ma-kalabas ang mga biktima.

Agad na ipinatupad ang pag-aresto kay Tosco habang nakatakas umano si Briñas. Nagpasabi naman si Jucaban na darating ngunit hindi siya sumulpot. Dito na dinala ng mga operatiba sa NBI Headquarters si Tosco matapos siyang basa-han ng kaniyang Miranda rights.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with