Quiapo Church muling binuksan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling binuksan ang Simbahan ng Quiapo matapos na isailalim ito sa 14-araw na lockdown.

Sinabi ni Monsignor Hernando Coronel ng Quiapo Church, napagdesisyunan nila na buksan na ang simbahan dahil nagnegatibo naman sa rapid test ang 81 na mga pari at church workers dito.

Alas-5 ng madaling araw nang umpisahang buksan ang pinto ng simbahan para sa misa ngunit hanggang 10 tao lamang ang puwedeng magsabay-sabay sa loob base sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa “general community quarantine”.

Dahil dito, nananatili muna sa labas ng simba­han ang ibang mga deboto. Habang naghihintay sila, kailangang panatili- hin ang physical distancing    sa pagtayo sa mga marka sa Plaza Miranda at sa mga gilid ng kalsada.

Isinara ang simbahan kamakailan makaraan ang ulat na isang bumibisitang pari ang nahawa ng coronavirus kaya isinailalim sa rapid testing ang lahat ng tauhan ng simbahan.

QUIAPO CHURCH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with