24-oras curfew sa loob ng 14-araw, ipapatupad sa isang lugar sa Muntinlupa
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) isinailalim sa 24-oras na curfew sa loob ng 14 na araw ang Southville 3 sa Brgy. Pob­lacion,  Mun­tinlupa City.

Simula ngayong Sabado Hulyo 4 hanggang sa Hulyo 17, tatagal ang paghihigpit sa curfew sa nasabing lugar na isa sa pinakamalaking komunidad na nasasakop ng Brgy. Poblacion.

Batay ito sa nilagda­ang Resolution 29-series of 2020 ni Brgy. Poblacion Captain Allen Ampaya na magpapatupad ng 24-hour curfew sa  Southville 3, National Housing Authority (NHA).

Sa loob ng dalawang linggo o 14 na araw, ang mga residente ng lugar ay hindi maaaring lumabas ng kanilang mga bahay maliban lang kung may emergency cases o essential travel.

Exempted naman sa curfew ang mga bibili ng essential goods at nagtatrabaho sa mga industriyang pinapayagang mag-operate sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Nang mailagay na sa General Community Quarantine (GCQ) kung saan mas maluwag ang curfew, naging triple ang kaso ng COVID-19 na mula sa 9 ay naging 27 na sa loob lang ng 15 araw.

Nilinaw naman ng Punong Barangay na hin­di lockdown kundi paghihigpit lang sa mga residente na limitahan ang galaw at pakiki-pag-halubilo sa labas ang ipapatupad.

 

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with