^

Metro

31 brgy. sa Maynila ila-lockdown

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
31 brgy. sa Maynila ila-lockdown
Sa District 2 ang Barangays 163, 173, 180, 185, at 215; sa District 3 ang mga barangays 275, 310, 343, at 380; sa District 5 ang mga barangays 649, 724, 766, 775, 811; at sa District 6 ang mga barangays 836, 846, at 847.
Philstar.com/Irish Lising, file

Dahil sa mataas na kaso ng COVID

MANILA, Philippines — Para mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19), inilagay sa 48-oras na lockdown ni Manila City Mayor Isko Moreno ang nasa 31 barangay sa lungsod.

Pinirmahan ni Moreno ang Executive Order No. 31 na naglalagay sa mga barangay sa ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ at para makapagsagawa ng ‘disease surveillance, rapid risk assessment at testing’ sa mga barangay.

Kabilang sa ilalagay sa lockdown ang mga barangay sa Distrit 1 kasama ang barangays 1, 20, 41, 51, 56, 66, 96, 97, 101, 106, 116, 118, 120, 128, at 129.

Sa District 2 ang Barangays 163, 173, 180, 185, at 215; sa District 3 ang mga barangays 275, 310, 343, at 380; sa District 5 ang mga barangays 649, 724, 766, 775, 811; at sa District 6 ang mga barangays 836, 846, at 847.

Ayon sa Manila Health Department, nagkaroon na ng 147 kaso ng COVID-19 sa naturang mga barangay hanggang nitong Hunyo 29 at nais na mapabagal ito ng pamahalaang lungsod.

Epektibo ang lockdown mula alas-12 ng Sabado ng madaling araw sa Hulyo 4 at magtatapos ng alas-11:59 ng Linggo ng gabi sa Hulyo 5.

Habang nasa lockdown, mahigpit na dapat manatili sa loob ng kani-kanilang bahay ang mga residente maliban sa mga may exemptions tulad ng mga health workers, military personnel, service workers at iba pa  na may akreditasyon ng Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force.

Suspendido rin ang operasyon ng mga establisimiyentong pang-komersyo at serbisyo.

Magpapakalat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa naturang mga barangay para ipatupad ang mga protocols sa lockdown katuwang ang mga opisyal at tauhan ng mga barangay.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with