Mag-eehersisyo sa CCP, lilimitahan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nilimitahan na lamang sa 50 ang bilang ng tao na mag-eehersisyo sa tapat ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City makaraang mag-viral ang ­ilang litrato sa social media na sangkaterbang tao sa lugar.

Ito ay makaraan na ipag-utos ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano kay Pasay Chief of Police, P/Col Ericson Dilag na ipatupad ng ‘physical distancing protocol’ sa lugar.

Bukod sa paglimita sa bilang ng tao, isinara na rin sa publiko ang CCP oval habang ang CCP lawn na lang ang bukas para sa mga tao na nais mag-ehersisyo.

Itinakda naman ang Vicente Sotto Street na pasukan sa lugar habang ang exit ay sa Pedro Bukaneg.

Nagtalaga na rin ng dag­dag na tauhan ng Pasay City Police at Southern Police District para magbantay at umasiste sa mga taong nagtutungo sa lugar.

CCP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with