^
P2 milyong illegal drugs nasabat ng BOC-NAIA
Ang mga ecstasy tablets na nasamsam ng BOC-NAIA sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

P2 milyong illegal drugs nasabat ng BOC-NAIA

Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang milyon halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng NAIA customs at PDEA sa Central Mail Exchange Center(CMEC) sa Domestic Road, Pasay City.

Sinabi ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, ang unang paketeng binuksan na idineklarang regalo ay may laman ng 547 gramo na ecstasy galing sa isang alyas Bram De Lang ng Adriaan Van Bergenstraat, 4811 SW Breda,Netherlands. 

Sinasabing naka-consigned umano ang mga epektos sa isang Mark Lumanlan Chavez, Pasay City.

Ang pangalawang parcel na idineklara namang adult toys na naglalaman naman ng 28 gramo ng kush o marijuana na may street value na P44,800 at galing sa United Kingdom na ipinadala lamang sa isang bahay sa Marikina City.

Samantala, sinabi ni Talusan, ang pangatlong pakete ay nakunan naman ng 500 pirasong ecstasy tablets na may P850, 000 halaga at naka-consigned diumano sa isang Ken Rosales ng Cebu City.

Ang mga illegal drugs ay inilipat ng Customs sa pag-iingat ng  PDEA para sa isasagawang  masusing imbestigasyon.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with