Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nakikita naman ng lahat ang kasalukuyang sitwasyon sa Metro Manila, kung saan patuloy ang pagtaas nang naitatalang COVID-19 infections, kaya’t mas makabubuti kung huwag na munang umasa na magkakaroon ng ‘easing’ o pagluwag sa ipinatutupad na quarantine.
Miguel de Guzman, file
Mas maluwag pang quarantine sa Metro Manila, malabo pa-DILG
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala ang isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na posibleng hindi pa maisailalim sa mas maluwag na community quarantine ang Metro Manila sa susunod na linggo dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nakikita naman ng lahat ang kasalukuyang sitwasyon sa Metro Manila, kung saan patuloy ang pagtaas nang naitatalang COVID-19 infections, kaya’t mas makabubuti kung huwag na munang umasa na magkakaroon ng ‘easing’ o pagluwag sa ipinatutupad na quarantine.

Paglilinaw naman ni Malaya, ito ay kanyang personal na opinyon lamang at ang desisyon naman hinggil sa pagpapairal na quarantine measures ay base sa mga siyentipikong datos.

Aniya, isang technical working group (TWG) ang nag-aaral ng mga datos at saka magbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

“Meron po tayong tinatawag na Technical Working Group on Data Analytics at sila’y nagbibigay ng recommendation sa IATF. Itong mga rekomendasyon ay binibigay sa ating Pangulo. At napag-usapan po doon sa mee­ting ng IATF na it will be the President who will make that announcement (on quarantine measures),” ani Malaya, sa panayam sa radyo.

“Dito sa Metro Manila, nakikita natin ang sitwasyon. Huwag na po tayong umasa na magkakaroon ng easing of quarantine,” aniya pa.

Nabatid na binibigyan naman ng abiso ang mga local government units (LGUs) hinggil sa rekomendasyon sa IATF, upang magkaroon sila ng pagkakataon na iapela ito.

Matatandaang sa Hunyo 30 ay magtatapos na ang umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at inaasahang maglalabas ng desisyon si Pang. Rodrigo Duterte kung magpapatupad ito ng mas istriktong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon o pananatilihin ito sa GCQ o isasailalim sa mas maluwag na modified general community quarantine (GCQ).

LOCKDOWN METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with