^
15 Africans dinampot sa paglabag sa quarantine protocols
Bukod sa nakumpiskang mga bote ng beer at iba pang gamit, nakuhanan din ng isang sachet ng iligal na droga ang grupo na nasa 1 gramo na may halagang P6,800.c
STAR/ File

15 Africans dinampot sa paglabag sa quarantine protocols

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2020 - 12:00am

Nag-inuman sa bar sa Makati

MANILA, Philippines  — Labing-limang Africans  ang inaresto habang nagkakasiyahan sa isang bar sa Makati City, kamakalawa ng hapon na malinaw na paglabag sa mga umiiral na community quarantine protocols.

Sa ulat ng pulisya una silang nakatanggap ng reklamo buhat sa ilang concerned citizens  sa lugar kaya pinuntahan ang D’ Evolution Masters Sports Bar  sa Mariano St., Poblacion, Makati City dahil sa social gatherings na nagaganap doon dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa.

Dito naabutan nila  ang mga suspek sa loob ng bar, habang mayroon din sa labas ng bar.

Bukod sa  nakumpiskang mga bote ng beer  at iba pang gamit, nakuhanan din ng isang sachet ng iligal na droga ang grupo na nasa 1 gramo na may halagang P6,800.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Makati Executive Order no. 11 series of 2020 (curfew), paglabag sa  Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person with Authority),  of RA 11332 (State of Public Health Emergency) at paglabag sa Section 11 of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020) ang mga suspek.

ACT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with