^
Pagrarali ngayong Independence Day, bawal
Ayon ito kay DILG Secretary Eduardo Año, na nagsabing hindi pinapayagan ang protest rallies na isang uri ng mass gatherings na pinagbabawal sa ilalim ng general community quarantine.
Geremy Pintolo, file

Pagrarali ngayong Independence Day, bawal

Romina Cabrera (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2020 - 12:00am

Mahaharap sa dispersal sa ilalim ng GCQ

MANILA, Philippines — Mahaharap sa dispersal ang mga protesters na mag­sasagawa ng ‘di awtorisadong’ pagrarali kasabay sa paggunita ngayon ng Independence Day.

Ayon ito kay DILG Secretary Eduardo Año, na nagsabing hindi pinapayagan ang protest rallies na isang uri ng mass gatherings na pinagbabawal sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Gayunman, bagamat ang mga rali at iba pang gatherings ay pinagbaba-wal, ang ‘‘official activities’’ na may kinalaman sa commemoration day ay papayagan ng pamahalaan.

Idinagdag pa nito na ang official rites ay isasa­gawa kung saan sa 10 indibiduwal na maximum sa ilalim ng GCQ, habang 50% capacity naman ng venue site sa mga nasa ilalim ng modified GCQ.

“Kaya pinapayuhan ko sila na manatili na lamang sa kanilang mga bahay o maharap sa dispersal”, dagdag pa ni Año.

Binalaan din nito sa mga instigator na nagtatangkang pagsagupain ang crowd at mga pulis.

“Kapag may nilabag sila na batas at hindi sila sumunod depende na sa ating PNP law enforcers, tawag natin doon is judgement call. Depende na yan, of course alam natin meron mga instigator dyan”, dagdag pa ni Año.

Hinikayat din nito ang publiko na gunitain ang Araw ng Kalayaan sa ibang paraan katulad ng online platforms at sa social media ipahayag ang kanilang mga hinaing.

INDEPENDENCE DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with