Quiapo Church nagbukas na ng misa
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naging mahigpit ang pagpapatupad ng unang misa sa Simbahan ng Quiapo kahapon mula nang ideklara ang ‘‘gene­ral community quarantine (GCQ)’’ kung saan sumunod ang mga deboto sa ‘‘physical distancing’’ at limitasyon sa dami ng papasok sa loob ng simbahan.

Nabatid na 10 lamang ang hinayaang makapasok sa simbahan sa aktuwal na misa tuwing alas-5 ng madaling araw, alas-6 ng umaga, alas-12:15 ng tanghali, alas-3 ng hapon, at alas-4 ng hapon.

Pero alas-3 pa lamang ng madaling araw ay binuksan na ang simbahan para makapasok ang mga deboto na nais magdasal.

Ngunit tig-50 lamang ang hinahayaang makapasok kada batch na bibigyan lamang ng limang minuto para makapagdasal.

Kinailangan muna na maghintay sa labas ng Simbahan sa Plaza Miranda ang mga deboto sa pila na may isang metrong layo na mga marka. Makakapasok lamang ang susunod na 50 kapag natapos na ang kanilang sinusundan.

Bago makapasok, mabusisi ang proseso  sa patakaran na ‘‘no face mask, no entry’’, dadaan ang mga ito sa mist tent at mag-aalcohol para sa sanitasyon, iche-check ang temperatura, at may markings kung saan lang puwede makaupo.

Dahil sa physical distancing, 2 na lang ang puwedeng makaupo sa bangko. Wala nang pila sa komunyon at iaabot na lang ang ostiya sa mga deboto.
Sa ilalim ng GCQ, 10 la­mang ang pinayagang makadalo sa misa habang mas maluwag sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘‘modified GCQ’’. Dahil dito, hinihimok ng pa­munuan ng Quiapo Church ang mga deboto na mas mainam na mag-online mass na lamang para makatiyak rin na ligtas sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

QUIAPO CHURCH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with