^

Metro

3 Chinese timbog sa iligal na gamot, cosmetics

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Chinese nationals sa sinalakay na bodega sa Clark, Pampanga na naglalaman ng mga iligal na Chinese medicines at mga cosmetic products, kamakalawa.

Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Zidong Guo, 53, nagpapakilalang doktor sa kaniyang mga kliyente; Chen Weiming, 31 at Hong Qiao Ling, 28.
Ikinasa ang entrapment operation ng mga tauhan ng NBI-Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) sa isang bodesa sa Clarkhills, Clark Freeport Zone, sa Mabalacat City, Pampanga.

Nabatid na ang naturang bodega at grupo ng mga suspek ang supplier ng mga medisina sa sinalakay na iligal na Chinese hospital sa may Brgy. Anunas, Ange­les City at sa Fontana, Clark, Mabalacat City.
Nagsagawa muna ng test buy ang asset ng pulis sa mga suspek saka pinasok ang bodega nang makumpirma ang iligal na operasyon.

Sa imbentaryo ng mga kinatawan ng Food and Drugs Authority (FDA), aabot sa P20 milyon ang nasakoteng mga gamot sa naturang operasyon.
Isinarado na ang bodega at tindahan habang biniberepika pa ang ipinakitang permits. 

Nakaditine naman sa NBI-CELRO ang mga naarestong suspek na nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa RA 2382 (The Medical Act of 1959) at RA 3720 (The Food, Drug and Cosmetic Act) na inamiyendahan ng RA 9711 (The Food and Drug Administration Act).

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with