^

Metro

21 ‘pasaway’ dinakip sa 2nd time lockdown

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balewala lang sa 21 residenteng “pasaway” ang pagsasailalim ng kanilang lugar sa ika-2 beses na calibrated lockdown kaya mahaharap sila sa parusang community service o paglilinis sa buong Brgy. San Dionisio sa Parañaque City.

Ang 21 pasaway ay pawang nakatira sa da­lawang sitio ng Brgy. San Dionisio na mu-ling inilagay sa 89-hour calibrated lockdown ng Parañaque City govern­ment dahil sa pagka-karoon ng family at community transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Paraña­que PNP chief, P/Co­lonel Robin King Sar­miento na dinala sa designated facilities ang 21 inaresto sa paglabag sa calibrated lockdown para sa booking procedures, kung saan sila ay itatalaga sa 24-oras na community service.

Gayunman, hindi rin sila ligtas sa kasong pag­labag sa Republic Act 11332 (non-coopera­tion during a health crisis, disobedience to persons in authority as well as local ordinances on curfew and the mandatory wea-ring of face masks).

Una nang ibinabala ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ang 2nd time lockdown offenders ay ilalagay sa holding areas at pagmumultahin ng P2,000, habang sa 3rd calibrated lockdown offense naman ay makukulong na sa loob ng 12 oras at multang P3,000. at makakasuhan pa ng mga paglabag.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with