Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Underscretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nakumpleto na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang imbestigasyon at case-build-up kaya naisampa na hanggang nitong Hunyo 2, ang mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases, laban sa mga naturang barangay officials.
Boy Santos/File
DILG: Kinasuhang barangay officials, umabot na sa 301
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 301 barangay officials na ang nahaharap sa mga kasong kriminal dahil sa umano’y anomalya sa pay-out o pamamahagi ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Underscretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nakumpleto na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang imbestigasyon at case-build-up kaya naisampa na hanggang nitong Hunyo 2, ang mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases, laban sa mga naturang barangay officials.

Idinagdag nito na, asahan naman na ang pagsasampa ng mas marami pang kasong kriminal sa mga susunod na araw habang may 76 pa umanong opisyal ng barangay ang isinasailalim sa case build-up ng CIDG.

Nabatid na kabuuang 381 complainants ang nagtungo sa PNP-CIDG at regional field units nito at inireklamo ang kanilang barangay officials kaugnay sa pamamahagi ng SAP.

Sa pinakahuling report ng PNP-CIDG, nabatid na kabilang sa kinasuhan ay 57 punong barangay at 57 na barangay kagawad. Sinampahan din ng kasong kriminal ang ilang barangay secreta­ries, health workers, treasu­rers, SK chairman at maging opisyal at empleyado ng local government unit (LGU).

Damay din aniya ang may 125 civilian co-conspirators na nasampahan na rin ng kasong kriminal.

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with