Ang hakbang ay inanunsyo ng lokal na pamahalaan nang ipagdiwang kahapon ang International Bike Day. Ang programa ay magbibigay daan na matulungan ang mas maraming empleyado at taga-lungsod.
Michael Varcas
Quezon City maglalaan ng 161 kms bike lanes
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY , Philippines — Maglalaan ang Quezon City government ng bike lanes na may habang  161 kilometro bilang bahagi ng  commitment na   magkaroon ng maayos na recovery at global clean air initiative sa lungsod sa panahon ng pandemic.

Ang hakbang ay inanunsyo ng lokal na pamahalaan nang ipagdiwang kahapon ang International Bike Day. Ang programa ay magbibigay daan na matulungan ang  mas maraming empleyado at taga-lungsod.

“This was a priority for us even before COVID-19 happened as part of our global commitment to reducing air pollution by 2030, but due to the pressing need for transport during the pandemic, and the bike culture that emerged as a result of this, we are fast-tracking its implementation,” pahayag ni QC  Mayor Joy Belmonte. Anya, ang gawing isang  walkable at bikeable city  ang QC ay bahagi ng programa na makamit ang 14-point agenda sa pangangasiwa sa lokal na pamahalaan.

Mula sa kasalukuyang 55 kilometers na bike routes  na nailunsad mula noong 2018, plano ng city government na pahabain  ang  bike routes hanggang 161 kilometers na halos may tatlong beses na laki sa kasalukuyang bike routes.

Lalagyan ng barriers, signages, markers at iba pang kailangang infrastructure para matiyak ang kaligtasan para sa  bike-riding public.

Katulong dito ng lokal na pamahalaan ang ‘Move As One Coalition’, na nagbigay ng bisikleta sa mga frontliners lalo na yaong mga nasa malapit sa ospital, community care facilities na may malaking tulong sa mga  health workers.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with