Online transactions sa Parañaque, sinimulan na
MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Parañaque City Government ang online services para sa business-related transactions bilang bahagi na ng new normal sa lungsod.
Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na pinangunahan ng business permits at licensing office (BPLO) ang pagpapasimula ng online appointment system (OAS) at online business application system (OBA) para sa mas mabilis na business registration at para maiwasan ang pisikal na pakikipag-usap.
“The primary purpose of this on-line government services is to reduce the waiting hours in any request or transaction as a precautionary health measure to limit face-to-face interactions under the general community quarantine (GCQ), “ani Olivarez.
Ayon kay Atty. Melanie Malaya, hepe ng BPLO, ang online system ay nakadisensyo sa pagpoproseso ng business-related transactions at services na kabilang sa “non-automated” tulad ng ‘ ‘dispute in assessment’ at iba pang administrative request para sa pagbubukas ng negosyo.
“Appointment is free of charge and operates on a first come, first served basis,”ani Malaya.
Kailangan lang mag-register at pindutin ang ‘preferred time’ para sa schedule na iko-confirm ng BPLO sa pamamagitan ng email.
- Latest