Outpatient pinayuhan na ‘wag munang magtungo sa OPD department ng Ospital ng Makati
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MAKATI, Philippines — Nasa 662 ang  confirmed coronavirus disease 2019 (CO­VID-19), 62 ang nasawi at 260 ang recoveries,   ayon sa pinakahuling naitala ng Makati Health Department.

Kaugnay nito, nagpaalala si Makati Mayor Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.

Kung sa pakiramdam umano ay mayroong sintomas ng COVID-19, mangyaring tumawag sa 168 o (02) 8942 6843. Huwag lumabas ng bahay upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Umapela rin siya sa Makatizens sa mga outpatients na iwasan munang  magtungo sa outpatient department (OPD) ng Ospital ng Makati habang may mga kaso pa ng COVID-19 sa bansa.

Kung kailangan naman, tumawag muna sa contact numbers ng OsMak mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon na 8882-6316 local 451 0 sa walang landline, sa cellphone numbers na 09562517000 (Globe) at 09310567558 (Sun).

Sa mga OPD patients na may appointment at may contact number, sila ay tatawagan ng mga doktor sa araw na mas maaga sa appointment.

Sa mga OPD patients na walang contact numbers, tumawag na lang sa hotline 8882-6316 locals 421m 422 at 429.

Sa wala pang appointment, tumawag sa 88826316 local 451 at ang cellphone numbers  na nabanggit para sa walang landline.

Ani Binay, ito ay upang makaiwas ang lahat sa COVID-19 transmission at upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

CO­VID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with