Ang mga naging biktima ng sunog sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong habang nakapila para kumuha ng kanilang rasyong pagkain.
Michael Varcas
Mandaluyong fire: Higit 1K pamilya naapektuhan, 6 sugatan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim na katao ang nasugatan habang mahigit 1,000 pamilya naman ang nawalan ng tahanan sa isang sunog, na posibleng kaso ng arson na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Addition Hills, na matatandaang isinailalim sa total lockdown kamakailan nang makapagtala ng pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Mandaluyong City, kabilang sa mga nasaktan at nasugatan dahil sa sunog ay sina John Rex Soriano, 16; Marilyn Garialde, 48; Ma. Fe Litas, 52, at Mario Litas, 56; Roland Asuncion, 42 at Nickson Solon, 27.

Samantala, arestado naman si Francis Santos, 30, construction worker na hinihinalang siyang nagsimula ng apoy.

Dakong alas-5:31 ng hapon ka­makalawa nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanang pagmamay-ari ni Maria Belen Bacay Santos, na kaanak ni Francis.

Umabot ng general alarm ang sunog bago tuluyang naapula bago mag- ala-1:00 ng madaling araw kahapon.

Kaagad namang ­inaresto ng isang barangay tanod at itinurn-over sa pulisya si Francis na sinasabing nagsunog ng mga damit sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan at nagsunog pa umano ng tarpaulin sa labas ng kanilang bahay.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P2 milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa sunog na tumupok ng humigit-kumulang sa 800 tahanan.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with