2 tumakas na inmates na positive sa COVID, nadakip
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naibalik na sa quarantine facility ang dalawang inmates na kapwa positibo sa COVID-19 makaraan silang tumakas ngunit agad rin namang nadakip ng mga tauhan ng Sta. Ana Police Station sa Maynila, kahapon ng umaga.

Isa sa inmate ay isang 25-anyos na lalaki na may kaso sa iligal na droga, habang ang isa pa ay isang 19-anyos na lalaki na may kinakaharap na kasong Child Abuse.

 Nabatid na ang dalawa ay kabilang sa mga inmates ng Sta. Ana Police Station na mga PUI na isinailalim sa swab test. Lumabas ang resulta ng dalawa na positibo sa COVID-19 kaya inirekomenda na dalhin sila sa Delpan Evacuation Center sa Binondo para sumailalim sa quarantine at ma­bigyan ng kaukulang paggagamot.

Sa ulat, alas-7:30 kahapon ng umaga nang madiskubre ang pagtakas ng dalawa sa Delpan Evacuation Center ng utility worker na si Bevelyn Elarcosa. Agad na ipinaalam ito sa pulisya na nagkasa agad ng manhunt operation.

Naaresto ang isa sa mga suspek sa may Pilar State, Brgy. 781 habang ang isa pa ay muling nadakip sa may Crisolita malapit sa Dagonoy Street sa Brgy. 767 sa Sta. Ana District. Muli silang ibinalik sa naturang quarantine facility.

Ipinag-utos na ni MPD Director B/Gen Rolando Miranda ang pagsasagawa ng contact tracing para matukoy ang sinuman na nakasalamuha ng dalawa sa maigsing oras ng kanilang pagtakas habang isasailalim rin sa 14-araw na quarantine ang mga pulis na dumampot sa dalawa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with