Quarantine pass kailangan pa rin sa Pasay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila na inilagay na ang Metro Manila sa general community qua­rantine, kailangan pa ring magdala ng mga taga-Pasay ng quarantine pass sa kanilang pamamalengke habang tuloy pa rin ang iskedyul ng market day kada barangay.

Ito umano ang napagkasunduan nina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año kung saan sakop pa rin ng quarantine pass ang mga palengke, talipapa, shopping malls, convenience stores at iba pang kahalintulad na establisimento. 

Mahigpit na ipinaalala rin ang pagsunod sa mga protocols tulad ng physical distancing, palagiang pagsusuot ng face mask, paggamit ng alkohol, temparature check, at pagbabawal pa rin na lumabas ang mga senior citizen at mga residente na may edad 20-taon pababa.

Magpapatuloy pa rin naman ang limitadong oras ng pagbubukas ng mga pamilihan mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-5 ng hapon lamang.

Ang mga papasok sa trabaho ay kailangang magdala ng Company ID at Barangay Certificate. Kung magsisimula pa lang bumalik sa trabahong pinayagan ng IATF na magbukas sa GCQ, kailangang magdala ng Company ID, Certificate of Employment / Return to Work Order at Barangay Certificate.

Samantala, binuksan na rin ng Pasay City Hall ang pagproseso sa business at working permits upang makapag-umpisa na ng operasyon ang mga negosyo ngunit mahigpit ang pagpapatupad ng ‘non-contact policy’ at paggamit ng online application.

QUARANTINE PASS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with