^

Metro

Kahit GCQ: Bentahan ng alak ekis pa rin sa Maynila; tindahang pasaway ipasasara

Philstar.com
Kahit GCQ: Bentahan ng alak ekis pa rin sa Maynila; tindahang pasaway ipasasara
Litrato ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso habang nagtatalumpati nitong Mayo
Released/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Hindi pa rin pinahihintulutan ng kabisera ang pagbili at pagbebenta ng nakalalasing ng inumin kahit na ipinatutupad na ang mas maluwag na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Binawi ng maraming lungsod sa Kamaynilaan ang kani-kanilang liquor ban sa pagtatapos ng modified enhanced community quarantine (MECQ) — pero exemption to the rule ang Maynila.

"Sa mga convenience store na nagtitinda ng alak... na pansamantala naming ipinagbabawal... isasara namin kayo," sabi ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Martes.

"Halimbawa naman [sa] mga grocery store, huwag po kayo magbabakasakali... We're going to shut it down. We're very strict with this."

Aniya, pribilehiyong ibinibigay ng city government ang pagbebenta ng alak, kung kaya't huwag na raw nilang tangkain na lumabag sa kautusan.

Una nang naglabas ng executive order si Domagoso laban sa distribution at sale ng alcoholic beverages habang nananalasa ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Umapela naman ang alkalde na intindihin ang kautusan ng lungsod, at gamitin ang ayuda para sa pagkain, gamot at iba pang mahahalagang gamit kaysa sa paglalasing.

"Sana po maunawaan niyo po ako, tutal bisyo lang naman ito. Ang hinihingi ko lang naman ay pansamantala," dagdag ng actor-turned-mayor.

Alak at COVID-19

Hangga't maaari, pinaiiwas ngayon ng World Health Organization (WHO) ang lahat sa pag-inom ng alak sa kalagitnaan ng COVID-19.

"Avoid alcohol altogether so that you do not undermine your own immune system and health and do not risk the health of others," sabi ng WHO-Europe.

"Stay sober so that you can remain vigilant, act quickly and make decisions with a clear head, for yourself and others in your family and community."

Dagdag pa nila, napahihina ng alak ang resistensya, dahilan para humina ang kapasidad ng katawan na labanan ang mga nakahahawang sakit.

Kung iinom man, iminungkahi ng WHO na panatilihin ito sa "minimum" at iwasan ang paglalasing. — James Relativo

vuukle comment

FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with