Quarantine pass âdi na kailangan kapag lalabas
Naging maayos ang mga pasahero at naobserba ang physical distancing sa loob at labas ng mga tren ng MRT-3 sa unang araw na pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Kuha ni Edd Gumban
Quarantine pass ‘di na kailangan kapag lalabas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan ng publiko na magpakita ng quarantine pass sa tuwing lalabas ng kanilang tahanan maliban na lamang kung i-require ito ng mga local government units (LGUs) na nasa critical at buffer zones o depende sa kondisyon sa lokalidad. 

Ito ang ginawang pagli­linaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasunod ng pagsisimula ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa kahapon.

Sa kabila nito, binigyang diin Interior Sec. Eduardo Año, na hindi naman ito “unlimited” na kahit anong oras ay maaaring lumabas ng bahay dahil tuloy pa rin ang pagpapairal ng curfew hours.

“Hindi na po natin kailangan ng quarantine pass para payagang makalabas sa ating bahay pero hindi po ito “unli” na kahit anong oras ay puwede. Patuloy pa rin po ang pagpapatupad ng curfew hours ng ating mga LGUs at puwede rin pong i-require ang quarantine pass ng mga LGUs sa piling lugar sa kanilang nasasakupan,” sabi ni Año.

Sinabi ni Año na kinailangang luwagan ang mga patakaran upang unti-unting makabangon ang ekonomiya ng bansa matapos ang higit dalawang buwan na enhanced community qua­rantine (ECQ) ngunit hindi dapat makompromiso ang mga health protocols.

Nilinaw ni Año na kailangan pa rin ng quarantine pass sa mga “high-risk” na barangay sa mga critical zones at buffer zones na binabantayan at ginagawan ng contact tracing.

Ang mga tutungo naman sa ibang lalawigan ay hihi­ngan ng ‘travel pass’ maliban na lamang kung may kinalaman ito sa trabaho.

Tinukoy ni DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya na maaaring kumuha ng ‘travel pass’ sa mga help desk ng pinakamalapit na himpilan ng Philippine National Police (PNP) basta’t magpapakita ng medical certificate mula sa health office ng munisipyo habang ang mga manggagawang tumatawid ay kailangang magprisinta ng company ID o employment certificate.

QUARANTINE PASS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with