Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, layunin nitong maprotektahan ang mga frontliners at mga mamamayang nais na lamang magbisikleta papasok sa trabaho ngayong nasa general community quarantine (GCQ) na ang Metro Manila
AFP/Ted Aljibe
‘Pop-up’ bike lanes bubuksan sa San Juan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang ilunsad ng San Juan City government ang mga “pop-up” bike lanes sa lungsod bilang bahagi ng paghahanda sa “new normal” na kanilang ipatutupad sa gitna ng patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, layunin nitong maprotektahan ang mga frontliners at mga mamamayang nais na lamang magbisikleta papasok sa trabaho ngayong nasa general community quarantine (GCQ) na ang Metro Manila.

Sinabi ni Zamora na sinimulan ng city government nitong Linggo, sa pakikipagtulungan ng EDSA Evolution, ang paglalagay ng pop-up bike lanes.

Aniya, ang Phase 1 nito ay mula N. Domingo hanggang Ortigas Ave. bago ang intersection ng Connecticut na daraan sa ilang pangunahing pasilidad at institusyon sa lungsod gaya ng San Juan Medical Center (SJMC), San Juan City Hall, Greenhills Shopping Center, at malapit din sa Cardinal Santos Medical Center. 

Opisyal naman umanong ilulunsad ng lokal na pamahalaan ang Phase 1 ng pop-up bike lane sa World Bicycle Day, bukas, Hunyo 3, sa Pinaglabanan Shrine ganap na alas-9:00 ng umaga.

Anang alkalde, noong Huwebes pa ay pinayagan na nilang bumiyahe ang mga tricycle, ngunit batid nila na kinakailangan pa ring magkaroon ng iba pang “mobility options” ang publiko, dahil na rin sa mga “uncertainties” o walang katiyakang dala ng pandemic, kaya’t nagpasya silang maglagay ng mga bike lanes.

 

BIKE LANES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with