DILG sa LGUs: Gumawa ng bike lanes
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para sa kaligtasan at suporta sa mga manggagawa na piniling magbisikleta sa pagpasok sa kanilang trabaho, hinikaya’t kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na magpagawa ng mga bike lanes sa lahat ng mga kalsada sa kanilang nasasakupan sa panahon ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang lugar dahil sa COVID-19 pandemic.

Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga gober­nador, city at municipal mayors na makipag-ugnayan sa mga kalapit na LGUs upang maikonekta ang kanilang mga bicycle lanes at makagawa ng isang bicycle road network.

Sinabi ni Año na dapat siguruhin ng LGUs na walang obstruction o nakahambalang sa mga bike lanes para maiwasan ang anumang aksidente.

Aniya, ang bisikleta ay isang uri ng sasakyan na hinikayat gamitin ng Inter-Agency Task Force (IATF), dahil bukod sa mainam na sa kalusugan, matipid pa ito at hindi na kailangang bumili pa ng gasolina.

Sinabi niya sa mga LGUs na gumawa ng mga batas o ordinansa na magpapataw ng multa sa mga lalabag sa paggamit ng bike lanes upang masiguro na ang motorista at siklista ay sumusunod sa mga regulasyon sa mga naturang kalsada.

Ayon pa rito, dapat sundin ng mga LGUs ang disenyo ng Department of Transportation (DOTr) sa paglalagay ng plastic bollards, stencil markings at signage sa mga designated bike lanes para sa kaligtasan ng mga nagbibisikleta sa mga pangunahing kalsada kung saan may mga mabibilis at malalaking bus at sasakyan ang dumaraan.

 

BIKE LANES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with