Takbo ng MRT-3, mas mabilis na
Ito ang tiniyak ni Transportation Sec. Arthur Tugade, na mula aniya sa dating 25-30 km per hour (kph) na takbo ng mga tren ng MRT-3 ay magiging 40kph na ito dahil na rin sa isinagawa nilang pagpapalit ng mga riles ng tren.
Boy Santos
Takbo ng MRT-3, mas mabilis na
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2020 - 12:00am

Libu-libong commuters daragsa ngayon...

MANILA, Philippines — Bagama’t limitado ang kapasidad dahil sa paiiraling social distan­cing, magiging mas mabilis naman ang takbo ng maraming tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na bibiyahe at inaasahang daragsain ng libu-libong commuters sa pagsisimula ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila ngayong araw.

Ito ang tiniyak ni Transportation Sec. Arthur Tugade, na mula aniya sa dating 25-30 km per hour (kph) na takbo ng mga tren ng MRT-3 ay magiging 40kph na ito dahil na rin sa isinagawa nilang pagpapalit ng mga riles ng tren.

“Dahil nagawa na ang mga rail replacement, mae-experience niyo na ho ang 40 kilometers per hour na takbo ng MRT3 compared sa usual 25-30km per hour,” ani Tugade, sa isang virtual briefing.

Mas marami rin aniya ang bibiyaheng mga tren ng MRT-3 simula ngayong araw na aabot ng 19, mula sa dating 14 hanggang 15 lamang.

Sa paabiso ng DOTr-MRT-3, alas-5:30 ng madaling araw magsisimula ang unang biyahe ng mga tren mula North Avenue Station, sa Quezon City habang itinakda naman ang huling biyahe dakong alas-9:10 ng gabi. Samantala, sa Taft Avenue, Pasay City, aalis ang first trip ng alas-5:30 ng madaling-araw habang ang last trip ay alas-10:11 ng gabi na ipatutupad sa loob ng isang linggo.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, mula North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Ave­nue, Pasay City.

Bukod sa MRT-3, magbabalik din ang operasyon ngayong Lunes ang Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT-1 at 2) at PNR ngunit may limitadong kapasidad lamang.

Ayon kay Tugade, 28 tren ng LRT-1 ang inaasahang mag-o-ope­rate mula Roosevelt, Quezon City hanggang Baclaran, Parañaque City habang limang tren lamang ng LRT-2 ang bibiyahe mula Cubao, Quezon City hanggang Claro M. Recto, Maynila, dahil hindi pa rin handa para sa operasyon ang Katipunan, Anonas, at Santolan stations nito, na matatandaang nasunog noong nakaraang taon.

Walong bagong tren naman ng PNR na pawang mula sa Indonesia ang inaasahang magsisilbi sa daan-daang commuters nito.

GCQ MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with