^

Metro

P2.3 bilyong pinuslit na sigarilyo nasabat

Victor Martin, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P2.3 bilyong pinuslit na sigarilyo nasabat
Sa ulat na P1-bilyong halaga ng sigarilyo ang nasabat sa isang bodega sa may Victoria Alicia, Isa­bela na sinalakay nitong nakaraang Sabado ng mga tauhan ng Quick Reaction Team (QRT). May mga tax stamps na nakuhang ebidensya na ilegal na ini-export sa ibang bansa ang naturang mga sigarilyo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umiskor ang Bureau of Customs (BOC) at pulisya matapos na masabat ang P2.3-bilyong halaga ng illegal branded cigarettes sa dalawang magkasunod na operasyon sa lalawigan ng Isabela nitong nakaraang linggo.

Sa ulat na P1-bilyong halaga ng sigarilyo ang nasabat sa isang bodega sa may Victoria Alicia, Isa­bela na sinalakay nitong nakaraang Sabado ng mga tauhan ng Quick Reaction Team (QRT). May mga tax stamps na nakuhang ebidensya na ilegal na ini-export sa ibang bansa ang naturang mga sigarilyo.

Ito ay follow-up sa unang pagsalakay ng BOC, DTI, Naguilian Police, Isabela Police Mobile Force Company at Isabela Provincial Highway Patrol Team sa isa pang bodega ng isang rice mill sa may Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela nitong nakaraang Huwebes matapos ang pagkakasabat nila sa isang trak na may kargang mga branded na sigarilyo sa Naguilian.

Naaresto sa operasyon ang apat na Chinese na unang nagpakilalang mga Koreans na sina Wu Jia Jun, 26; Steven Tan, 32; Chen Qong Gong, 37; at Wu Ya Hui, 25;  pawang tubong Fokien province sa China.

Nakumpiska sa operasyon ang 2,000 master cases ng iba’t ibang uri ng sigarilyo, 10 units ng cigarette-making machine, at 300 kahon ng raw tobacco  na umaabot sa P1.3-bilyong halaga.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with