^

Metro

Mass railways system, balik-operasyon bukas – DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mass railways system, balik-operasyon bukas � DOTr
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, limitadong kapasidad lamang ang maa­aring isakay ng PNR, MRT at LRT.
Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na balik-operasyon na bukas ang mass railways system sa bansa na kinabibilangan ng Philippine National Railways (PNR), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT-1, LRT-2)

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, limitadong kapasidad lamang ang maa­aring isakay ng PNR, MRT at LRT.

Sinabi ni Tugade, 10%-12% ng passenger capacity sa LRT at MRT ang ipatutupad sa bawat biyahe nito, habang 35% naman ng passenger capacity ng Philippine National Railways sa kada biyahe ng mga bagon.

Aniya, gumawa na  ng mga paraan ang ahensiya upang masunod ang health protocol sa mga tren.

Inihayag pa  ni Tugade na namarkahan na ang  bawat upuan, bawat handrail, ticket booth sa mga istas­yon at handa na bumiyahe bukas.

Aniya, dahil sa limitadong kapasidad ng tren, gagamitin ng DOTr ang mga bus na magsasakay din ng mga pasahero.

“Mag-i-introduce  tayo ng bagong pamaraan. Ito ‘yung bus augmentation system ay magkakaroon ng tinatawag na dedicated lane sa EDSA. Mid lane. Ibig sabihin, may tatakbo na bus. Sa umpisa, dahil gradual calculated and partial, gamitin muna 300-500 buses. ‘Pag nagawa ito, i-increase namin ‘yan.” sabi pa ng kalihim.

Nabatid na ang mga bus ay pupuwesto  sa mga istasyon ng MRT-3 para maaaring sumakay dito ang mga pasahero na nakapila. Magkakaroon din ng bicycle lane sa EDSA at sa iba pang bahagi ng bansa.

“Ultimately magkakaroon ng tinatawag na bike lane kung saan nakikipagkapit-bisig kami with MMDA at DPWH para mabuhay ulit ang bicycle lane,” sabi pa ni Tugade.

Natigil ang operayon ng railways system sa bansa bunsod ng krisis sa CO­VID-19.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with