^

Metro

P2 milyong shabu nasamsam sa drug ops sa Makati

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P2 milyong shabu nasamsam sa drug ops sa Makati
Ang nasamsam na mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit sa dalawang milyon sa isinagawang operasyon sa Brgy. Rizal sa Makati City.
Miguel De Guzman

MAKATI, Philippines — Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District, Makati Police Station at Southern Police District ang tatlong drug personalities sa malakihang transaksyon  ng ilegal na droga at nasamsam ang mahigit P2-milyong halaga ng shabu, sa buy-bust operation sa Brgy. Rizal, Makati City, kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ni Police Lt. Colonel Bernouli Abalos kinilala ang mga nasakoteng suspects na sina Angel Maris Bueno, 31; Maria Aira Caamic, 40 at Norberto Ortiz, 43.

Nakatakas naman ang isa pa na si alyas Viray.

Nag-ugat ang operasyon sa ibinigay na tip ng confidential informant ng Kamuning Police Station hinggil sa bigtime drug trafficking ng isang alyas Gelle  sa Brgy. Rizal, Makati City.

Matapos makipag-ugnayan sa SPD at Makati-DID, agad na ikinasa ang buy-bust dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa kung saan isang poseur-buyer ang nakipagkita sa mga suspek para sa P300.000, halaga ng  binibiling shabu. Sa gitna ng operasyon ay nagawang makatakas ni Viray.

Nasamsam sa mga suspek ang 8 malala­king plastic bag ng shabu; 6 na medium size heat sealed shabu na may kabuuang 300 gramo na may tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa dalawang milyon.

Isinailalim sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office ang mga suspek sa paglabag sa Article  II Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang nakatakas na si Viray ay sasampahan din ng nasabing reklamo.

vuukle comment

COLONEL BERNOULI ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with