^

Metro

‘No test, no trips’ sa tricycle drivers ng Mandaluyong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng ‘no test, no trips’ ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Mandaluyong City sa kanilang mga tricycle drivers upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito at kanilang mga pasahero.

Kasunod na rin ito nang pagpo-positibo sa virus ng daan-daang tricycle drivers na isinailalim nila sa COVID tests kamakailan.

“Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay papayagan lamang pumasada ang mga tricycle driver kung sila ay sasailalim sa CO­VID-19 rapid test para na rin sa kaligtasan nila at ng mga pasahero,” anang paabiso ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, sa ngayon ay nasa 4,500 na sa 7,000 rehistradong tricycle drivers ang sumailalim na sa rapid test na ginawa ng City Health Department noong nakaraang linggo.

Sa nasabing bilang, lumabas na may 277 tricycle dri­vers o anim na porsyento (6%) ng mga na-rapid test ang positibo sa COVD-19.

Pawang asymptoma­tic naman ang mga ito at kasalukuyan nang naka-quarantine.

Isinailalim din umano ang mga ito sa confirmatory tests at lumabas na ang resulta ng confirmatory tests sa 42 sa kanila, na pawang nagnegatibo naman sa virus.

“Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa 40% lamang ang accuracy rate ng rapid testing at mababa ito para masabing positibo na agad ang isang tao sa COVID-19 kaya dapat ay magsagawa pa ng confirmatory SWABBING TEST para sa RT-PCR (reverse trans­cription polymerase chain reaction) test para matiyak kung positibo nga siya sa nasabing sakit,” anang lokal na pamahalaan.

Tiniyak naman ng city government na ang tricycle drivers na wala pang RT-PCR test result ay mananatiling naka-isolate at naka-quarantine.

Inaasahan naman ni Mayor Abalos na walang mag-positibo sa mga tricycle drivers na wala pang resulta para hindi na madagdagan pa ang mga pasyente sa medical facilities sa lungsod.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with